Daughter, Sister, Wife, Friend, Coordinator, Writer and Me!

*I need to post this blog in our mother tongue because of certain reasons*

At sa akala ko eh tapos na ang kalbaryo ko – hindi pala! Tatagal pa kami dito ng apat na buwan! Mantakin niyo yun apat na buwan ng pagdurusa at pakikisama sa mga ito.

Ewan ko… at kung hindi pa ba naman sapat ang kalbaryo ko, isa na lang ang sasakyan namin (service) na siyang magsusundo at maghahatid sa amin sa aming mga tahanan. Hindi lang doon natatapos… ngayon ang uwi ko na ay 5:30 ng hapon na minsan ay 6:20 ng gabi tapos tuwing Huwebes na dapat eh hanggang ala-una lng eh naging alas-tres.

Sabi ng mga kasama ko, kuripot daw kasi yung bago nilang amo. Dati kasi Briton ang amo nila dito, ngayon Indiano na. Sabi nung isang sekretaryang kakilala ko na nagtrabaho sa kanya, swerte pa din daw ako kasi hindi ako direktang nagtratrabaho sa kanya dahil madalas daw ay nagpapauwi siya ng gabi na. "Isipin mo Huwebes na Huwebes, alas-sais na ng gabi kami kung pauwiin?!" Ika niya.

Akala ko pa naman malapit na ang site ko sa tinitirhan namin. Ang tindi, isang oras ang byahe depende pa kung walang aksidente na naganap at kung saka-sakaling sinuwerte nga at nagkaroon ng banggaan, naku! isang oras na naman na dagdag sa byahe yun.

Hay, ang mga pasakit ng mga OFW…

Advertisements

Comments on: "Gawd! And I Thought It’s Over!!!!!" (4)

  1. hello funkeygal! san ka ba nagwowork ngayon?

  2. Bago na nga pala ang site nyo. Konting tiis lang. It’s still work.

  3. u sound hmmm, mature.

  4. katzee: hi! andito ako sa dubai. isa akong site secretary dito. so palipat-lipat kami ng lugar.

    papa ces: =(

    andrea: do i? nah! this is just me complaining and whining … don’t worry i’ll be back on my old self as soon as ma-absorb ko na sa utak ko na ganun na ang schedule ko ng uwi (bad trip tlga).

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: