Daughter, Sister, Wife, Friend, Coordinator, Writer and Me!

Recession

*Sorry but I have to use my native tongue in this post to express myself more*

Dati isang kwento lang ang recession… parang alamat na kinukwento ng mga nakaranas nito nung panahon nila.

Mahirap daw ang buhay nun. Talagang nag-iba ang pananaw at ‘lifestyle’ ng tao. Di ko gaanung pinansin ang kinukwento sa akin ng boss ko nun. Recession? Parang isang dagdag lang na salita sa dictionary. Yun lang.

Sinong mag-aakala na magkakaroon tayo ng first hand experience kung ano talaga ang recession.

Naalala ko ang kwento ni Ate Gay, nakilala ko sa isang tindahan, “Recession? Hay naku, hindi kasi masyadong na-explain sa atin yan eh. Ang ibig sabihin ng recession ay – recess muna, babalik din kayo. Ang tanung kelan?” Sabay halakhak habang binabalot niya ang aming pinamili.

Pagbalik ko mula sa bakasyon, nagmistulang bungi-bunging ipin ang opisina namin – kulang na ang mga tao kasi ang iba sa kanila na-abisuhan na. Hindi ko ininda yun kahit pa ilan sa mga malalapit kong kaibigan ang natanggal.

Ika nga, di pa nagsink in ang nangyari.

Sa paglaon, unti-unti kong nararamdaman ang bigat ng panahon. Ang dating ngiti ng mga taong nakakasalubong ko ay napalitan ng pangamba minsan naman ang iba, nakatulala.

Iba-iba din ang salubong ng mga tao sa recession. May iba, tinanggap na lang ng maluwag sa kanilang kalooban, may iba naman na tipong nagtanim ng hinanakit sa mga kumpanyang nagtanggal sa kanila at may iba na walang reaksiyon kasi hanggang sa araw na ito (kahit may dalawang buwan na silang walang trabaho) eh hindi nila matanggap na di na sila makakabalik sa trabaho.

Para sa akin, tanggap ko naman ang nangyayari. Naisip ko itinakdang mangyari ito kasi nakakalimot na ang tao. Nakalimutan na nilang meron pang mas importante kesa sa trabaho… kesa sa karangyaan… at ito ay ang pamilya at ang buhay mismo.

Pinapatotoo ng mga natatanggap nating emails sa araw-araw tulad ng minsan ba’y naisip mong itigil ang iyong ginagawang trabaho para makapiling ang iyong pamilya? Tanungin ang iyong anak kung kamusta ang araw niya sa eskwela? Ang asawa mo kung anu ang mga pinagkaabalahan niya sa araw na ito?

Isa ako sa mga ito.

Sa sobrang dami kong ginagawa, minsan nakakaligtaan kong kamustahin ang asawa ko. Kung anu ang ginawa niya sa buong maghapon…Sa kadalasan, didiretso ako sa harap ng computer, magcheck ng emails at makikibalita sa mga kaibigan habang ang taong nagnanais na makuha ang atensiyon ko ay mahinahong naghihintay!

Kung nagagawa natin ito sa mga taong malapit sa atin, paano pa kaya ang Diyos na mas mahinahong naghihintay na kausapin natin siya?!

Alam kong isa lang itong pangyayaring lilipas din sa ilang buwan o taon pero sana maisapuso natin ang mga natutunan natin ng dinanas natin ang panahong ito… kung ano ba ang mas importante para sa atin.

Tandaan ang nasayang na oras ay hindi na muling maibabalik.

Advertisements

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: